Tuesday, March 17, 2015

Ang mga paborito ko

   


            Isa sa mga paborito kong gawin ay lumangoy sa dagat o sa swimming pool. Lagi kong gustong maglangoy dahil nakakalamig ng katawan. Masaya din maglaro sa swimming pool at sa dagat. Palagi kong kasama ang daddy ko sa paglangoy dahil paborito din niya ito.




Paborito ko rin ang magluto o magbake. Palagi kami nagluluto ng Mommy ko. Palagi kaming gumagawa ng mga cakes at cookies.






Mahilig din akong mag-scooter. Palagi akong nagsuscooter, sa umaga at kahit sa gabi. 





May Martial Law na sa Raya

         Noong nakaraang Pebrero 24, nagkaroon kami ng Batas Militar sa Raya. Ang Batas Militar ay Martial Law.  Sa araw na ito, ito ang mga gawain na bawal:

1. Bawal maglaro.
2. Bawal magsalita or mag-usap kung hindi tungkol sa pinagaralan.
3. Bawal ngumiti at tumawa.
4. Maaari lang gumamit ng banyo kung maglakad gamit ng isang paa. Kailangan namin mag-skip.
5. Bawal umupo.

Kung ginawa namin ang bawal, pupunta kami sa jail na nasa gym sa taas.

 Ito ang nakaraang presidente na si Ferdinand Marcos. Siya ang nagpatupad ng Batas Militar dito sa Pilipinas noon. Nakakalungkot isipin ang mga tao noong Batas Militar. Mahirap noon.


Ang ritratong ito ay mula sa malacang.gov.ph.

Ang Kalayaan


Ako ay isang Filipina na gustong tumulong.



         Puwede akong makatulong sa mga tao na apektuhan ng Yolanda. Ang ritratong ito ay kinuha noong tumulong kaming pamilya sa relief operations. Kasama ko dito sa ritrato ay ang aking Tito at ang pinsan ko noong baby pa siya.

     Ang ritratong ito naman ay kinuha noong nagbabalot kami ng pandesal sandwiches na ipinamigay namin sa mga nasalanta ng Habagat.

Puwede ako mag bigay sa mga tao na walang damit. Puwede din akong mag bigay ng pagkain sa mga tao na walang pera.

Maganda ang Manila

  Ito ay ang field trip namin sa Rizal Park, Manila Zoo at Diorama ni Jose Rizal.



        Ito ang Diorama ni Jose Rizal. Ito ang eksaktong lugar kung saan pinatay si Dr. Jose Rizal. May mga malaking istatwa dito na pinapakita kung paano siya binaril. Nakinig kami dito sa recording na nagkukuwento tungkol sa buhay ni Jose Rizal. Madaming magagandang puno at halaman sa gilid ng Diorama.



         Kinunan ko itong litrato na ito sa San Agustin Church. Maganda at malaki ang simbahan na ito.
Ang simbahan na ito ay isa sa mga pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Nakita namin dito sa San Agustin Church ang Black Nazarene. Nagustuhan namin ang simbahan na ito at nagdasal din kami ng mga kaklase ko dito.




Ito ay ang Manila Zoo. Ang Manila Zoo ay may maraming hayop sa loob. Isa dito ay elepanteng ito. Mayroon din pagong doon sa tubig at buwaya. Nakita din namin ang mga zebra at mga ibon.



Sunday, March 15, 2015

Magandang Mundo

Ito ay bakit espessyal ang Mundo.Kasi ito ang planeta nakatira tayo.Dapat mahalin natin ang Mundong ito.Dapat mahalin natin ang mundong ito dahil binigay sa atin ito ng Panginoon.Binibigyan tayo ng ating planeta ng pagkain,at tubig para inumin.Nabuhay tayo dahil sa planetang ito.